Mag-asawa patay matapos pagbabarilin sa Muntinlupa City

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2019 - 10:08 AM

Patay makaraang pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang bahay ang mag-asawa sa Alabang, Muntinlupa City.

Sa inisyal na imbestigasyon ay pinasok ng mga suspek ang bahay ng mga biktima ala 1:00 ng madaling araw ng Biyernes, Oct. 25.

Nakilala pa lamang ang mag-asawa sa allyas na Bokbok at Heidi.

Sa pahayag ng mga rumespondeng tauhan ng barangay, hindi bababa sa walong putok ng baril ang nadinig bago natuklasan ang mga labi ng mag-asawa.

Dahil bagong lipat lang sa lugar, hindi pa sila lubos na kakilala ng mga kapitbahay.

Inaalam ngayon kung ano ang motibo sa pagpaslang at pinaghahanap din ang mga suspek.

TAGS: ambush incident, crime, Muntinlupa City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, ambush incident, crime, Muntinlupa City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.