Pagsasampay ng mga damit sa kalsada, pampublikong lugar ibabawal sa Maynila

By Len Montaño October 25, 2019 - 05:04 AM

Nakatakdang ipatupad sa Maynila ang pagbabawal ng pagsasampay ng mga damit sa mga kalsada at pampublikong lugar.

Layon ng Ordinance 8752 o “Tapat ko-Linis Ko” na obligahin ang sampay ban sa syudad.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, sa susunod na mga araw ay ipapatupad na ng lokal na pamahalaan ang ordinansa.

Sa ilalim ng ordinansa, bawal ang pagsasampay ng mga damit sa mga kable ng kuryente, poste at ibang lugar.

Bawal din ang paglalaba at pagpapatuyo ng mga damit sa mga gilid ng kalsada, sidewalks at iba pang lansangan.

Ito ay para mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa harap at paligid ng mga establisyimento.

Nagbabala si Moreno sa mga planong lumabag sa ordinansa na may kaukulang multa at parusa ang naturang sampay ban.

 

 

 

 

TAGS: Mayor Isko Moreno, mga damit, paglalaba, pagsasampay, sampay ban, Tapat ko-Linis Ko, Mayor Isko Moreno, mga damit, paglalaba, pagsasampay, sampay ban, Tapat ko-Linis Ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.