Malasakit Help Kits inihahanda na para sa mga dadagsang pasahero sa Undas
Inihahanda na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Malasakit Help Kits para sa nalalapit na Undas.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bahagi ito ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019” para matiyak na maging maayos ang biyahe ng mga Filipino sa All Saints’ Day.
Ipapamahagi ang mahigit isang libong Malasakit Help Kits sa Terminal 1 hanggang 4 ng NAIA.
Laman nito ang isang inumin, ilang biscuit at wet wipes.
Ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay mamimigay din ng Malasakit health kits sa mga pasahero na may laman na mini fan, hand sanitizer, pagkain at tubig.
Mamimigay din ng Malasakit Help Kits sa iba’t ibang istasyon ng tren.
Nasa mahigit isang daan ang inihanda para sa mga senior citizen at persons with disabilities.
Ipamimigay ang mga Malasakit Help Kits sa North EDSA, Cubao, Shaw, Ayala, at Taft.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.