Pangulong Duterte unti-unti nang gumaganda ang lagay ng kalusugan
Mas maganda na ngayon ang lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, niresitahan na ng kanyang neuroligist si Pangulong Dutere ng gamot na makatutulong para maibsan ang nararanasnag muscle spasm.
Bukod dito ay pahinga lang din aniya ang kailangan ng pangulo at dapat iwasan ang matagal na pagkakatayo at paglalakad.
Lumalabas na muscle spasms ang nagdulot ng matinding pananakit sa pelvic at spinal area ng pangulo na hindi nagpatulog sa kanya at nagbigay ng matinding sakit habang siya ay nasa Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.