3,000 baboy kinatay sa Cavite para maiwasan ang pagkalat pa ng ASF

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2019 - 09:24 AM

Umabot na sa 3,000 mga baboy ang kinatay sa Cavite para maiwasan ang pagkalat pa ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Arnel De Mesa, Department of Agriculture (DA) regional director sa Calabarzon, ang mga kinatay na baboy ay sakop ng 1-kilometer radius mula sa apektadong babuyan sa Barangay Emmanuel Bergado 1 sa Dasmariñas City.

Sinabi ni De Mesa na maliban sa naturang barangay ay wala pa namang panibagong kaso ng ASF na namo-monitor sa Cavite.

31 baboy ang unang nasawi dahil sa ASF sa Dasmariñas City.

Umiiral pa rin ang lockdown sa lalawigan base sa utos ni Governor Jonvic Remulla at bawal ang paglabas at pagpasok ng mga baboy sa buong Cavite.

TAGS: African Swine Fever, cavite, dasmarinas city, Department of Agriculture, Health, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, African Swine Fever, cavite, dasmarinas city, Department of Agriculture, Health, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.