Bahagi ng Airport Road ilang oras na hindi nadaanan dahil sa bumagsak na poste

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2019 - 06:28 AM

(UPDATE) Isinara sa mga motorista ang bahagi ng Airport Road sa Pasay City dahil sa bumagsak na poste.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), may bumagsak na poste ng at humarang ito sa kalsada bandang ala 1:00 ng madaling araw ng Huwebes, Oct. 24.

Dahil dito, isinara ang bahagi ng naturang kalsada at walang nakadaan na mga sasakyan.

Ayon sa mga nakasaksi, may truck na sumabit sa kable kaya nahila ang poste.

Tanging mga motorsiklo lamang ang nakadaan sa lugar sa loob ng anim na oras kaya nagsikip ang daloy ng traffic sa kalapit na Domestic Road.

Unang sinabi ng MMDA na poste ng MERALCO ang bumagsak sa kalsada.

Pero ayon sa MERALCO, poste ng isang telco ang bumagsak.

Nagpadala pa rin naman ang MERALCO ng kanilang crew sa lugar upang tumulong sa pag-alis ng humambalang na poste .

TAGS: accident, airport road, mmda, Pasay City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, traffic, accident, airport road, mmda, Pasay City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.