Sen. Go: Awayang Barretto sisters, ‘parang shooting’; pangulo, nabigla

By Rhommel Balasbas October 24, 2019 - 03:04 AM

Nagulat si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga kasama sa nasaksihang away ng Barretto sisters sa burol ng kanilang ama noong nakaraang linggo.

Sina Gretchen, Marjorie, Claudine at kanilang mga pamangkin ay nagpang-abot sa harap mismo ng presidente.

Sa panayam ng mga reporters araw ng Miyerkules, sinabi ni Sen. Bong Go na nagulat sila ng pangulo sa nasaksihan.

Para anyang ‘shooting ng pelikula’ ang awayan ng magkakapatid na Barretto.

“Na-shock din kami nung nakita naming. Parang shooting (ng pelikula) din”, ani Go.

Ayon sa senador, humingi ng paumanhin si Marjorie kay Duterte matapos humarang ang Presidential Security Group para tiyakin ang seguridad ng pangulo.

Hindi naman nakita ni Go kung sino ang nagsimula ng gulo dahil nasa likuran siya noong maganap ito.

Bilib naman ang senador kay Duterte dahil naging malumanay ito sa sitwasyon at sinubukan pa ring pagbatiin ang magkakapatid bilang pagrespeto sa kanilang ama.

“Dun ka po bilib kay Pangulo talagang gusto nya magkabati ang pamilya lalo na in respect sa harapan ng kanilang tatay, napakamalunay ng Pangulo. Sabi nya, ‘Pwede ba magkaayos na kayo?’ Tatay Digong talaga. Umiral pagka-tatay n’ya di lang sa bansa kundi pati sa pamilyang naga-away,” ayon kay Go.

Samantala, sinabi ni Go na handa siyang pumagitna para magbati ang magkakapatid na Barretto.

 

TAGS: away, Barretto sisters, nabigla, pelikula, senator bong go, shooting, away, Barretto sisters, nabigla, pelikula, senator bong go, shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.