Recruitment ng mga bagong kadete ipinahihinto muna ni Rep. Garbin
Ipinatitigil pansamantala ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin sa Philippine Military Academy ang recruitment para sa mga bagong kadete.
Ayon kay Garbin, maliwanag na may problema sa loob ng PMA na dapat agad itama dahil sa nabunyag na panibagong kaso ng pagmamaltrato.
Dahil dito, dapat pansamantalang itigil ang recruitment ng mga bagong kadete hanggang hindi nasisiguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga magulang at mga bagong kadete na ligtas sa dito.
Paliwanag pa ng kongresista kahit isang taon ay dapat munang suspendihin ang recruitment kung saan ito naman ang panahon para ma overhaul ito ng AFP.
Dapat anyang pangunahan ng AFP Judge Advocate General ang paglilinis sa PMA habang kailangan din ng civilian oversight sa cleansing at ng kongreso sa ngalan naman ng mga magulang, pamilya at kaibigan ng PMA cadets.
Ang pahayag ni Garbin ay kasunod ng pagkakadiskubre sa may 27 panibagong kaso ng pagmamaltrato sa mga kadete ng PMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.