Albayalde inatasang humarap sa pagdinig ng DOJ kaugnay sa kaso ng ‘ninja cops’

By Ricky Brozas October 23, 2019 - 12:40 PM

Nagtakda na ng petsa ang Department of Justice (DOJ) para sa muling pagsasagawa ng pagdinig kaugnay sa mga kaso ng ‘ninja cops’.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Gueverra, pinadalhan na ng subpoena ng DOJ si dating PNP Chief Oscar Albayalde para paharapin sa susunod na pagdinig.

Itinakda ang pagdinig sa November 5.

Kasabay nito ay inatasan ng DOJ ang mga respondent na magsumite ng counter affidavit sa naturang petsa.

Magugunitang isinama ng PNP-CIDG ang pangalan ni Albayalde bilang respodent sa kaso hinggil sa kontrobersyal na operasyon sa Pampanga noong 2013.

Si Albayalde ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 27 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na tumutukoy sa misappropriation, misapplication o failure to account for the confiscated or seized drugs.

Kinasuhan din si Albayalde ng paglabag sa Section 3-E Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code o falsification by public officer at paglabag sa Article 208 ng Revised Penal Code o dereliction of duty.

TAGS: department of justice, hearing, inquirer, ninja cops, november 5, PH news, Philippine breaking news, radyo, Tagalog breaking news, tagalog news website, department of justice, hearing, inquirer, ninja cops, november 5, PH news, Philippine breaking news, radyo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.