Doktor arestado sa anti-drug operation sa Davao City
Arestado ang isang doktor sa anti-drug operation sa Davao City.
Kinilala ang na-aresto na si Dr. John Perret Herrera, 33 anyos na residente ng New Matina sa Gravahan sa naturang lungsod at resident surgeon ng Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Si Herrera ay itinuturing na high value target na dinakip makaraang tanggapin ang marked money mula sa isang undercover policeman sa buy bust operation Martes ng umaga.
Hindi naman itinanggi ng doktor ang pagtutulak ng iligal na droga at marami umano sa kanyang kostumer ay mga kaibigan mula sa LGBT community na kanyang nakikilala sa pamamagitan ng social media.
Nakuha kay Herrera ang ilang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu, ilang dried marijuana leaves, disposable syringe at isang cellular phone.
Ang doktor ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.