MIAA handa na sa dagsa ng mga pasahero para sa Undas
Nakahanda na ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa NAIA para gunitain ang Undas.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, ‘all set’ na ang kanilang OPLAN Biyaheng Ayos.
Una nang ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapaigting ng operasyon ng Malasakit Help Desks (MHDs) sa lahat ng transport hubs sa bansa.
Ayon kay Monreal, mayroong inihandang Oplan desks na tatauhan ng pinagsanib na pwersa ng MIAA Operations, Public Affairs, Police at Medical teams sa lahat ng terminal ng NAIA.
Ang Malasakit Help Desks naman ang sasagot sa lahat ng inquiry ukol sa operasyon ng airport at ng airlines at maging ng karapatan ng mga pasahero alinsunod sa Air Passenger Bill of Rights (ABPR).
Pamumunuan ng MIAA at Civil Aeronautics Board ang Malasakit Help Desks.
Ang Malasakit Help Desks ay magsisilbing one-stop shop para sa passenger assistance hindi lamang sa mga paliparan kundi maging sa mga pantalan, train stations at land terminals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.