CD ng presong nakagawa ng sariling album sa loob ng bilibid, nasabat sa ika-12 Oplan Galugad
Sa ikalabing dalawang pagkakataon, muling nagsagawa ng Oplan Galugad sa loob iba’t ibang uri ng bawal na mga gamit ang muling nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Corrections.
Kabilang sa mga nasabat ang CD ng convicted robbery gang leader na si Herbert “Ampang” Colangco na nagawang makabuo ng album, makapagtayo ng sariling recording studio at makapag-concert habang siya pinagsisilbihan niya ang sentensya sa Bilibid.
Si Colangco ay kabilang sa mga tinaguriang VIPs o very important prisoners na inilipat sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos matuklasan ang kanilang magarbong pamumuhay sa loob ng Bilibid.
Maliban sa CD ni Colancgo, may mga nasabat ding pornographic DVDs sa mga preso mula sa Building 6 ng Maximum Security Compound.
Gaya ng dati, may mga nakuhang bawal na mga kagamitan gaya ng mga LED TV, speakers, LPG cylinders at mga mountain bikes.
Halos linggo-linggo ay nagsasagawa ng Oplan Galugad sa NBP pero tila hindi nauubos ang mga kontrabando na itinatago ng mga preso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.