Lumabas na hazing videos iniimbestigahan ng PMA, Baguio Police at CHR
Iniimbestigahan na ng Philippine Military Academy (PMA), Baguio City Police at Commission on Human Rights (CHR) ang lumabas na mga videos na nagpapakita ng hazing sa mga kadete.
Viral ngayon sa social media ang mga videos kung saan mapapanood ang pagpapahirap ng mga miyembro ng upperclass sa ilang plebo ng PMA.
Ayonsa PMA, ang mga videos ay nakunan noong 2017 at 2018 bago pa namatay sa hazing ang kadeteng si Darwin Dormitorio.
Sa pamumuno ng commandant of cadets na si Brig. Gen. Romeo Brawner, iniimbestigahan na ng tactics group ang dalawang insidente ng hazing.
Pero hiniling ng PMA sa publiko na huwag nang ikalat ang videos ng hazing habang kanila itong iniimbestigahan.
Ayon naman sa Baguio City Police, kapag mayroong magsampa ng kaso ay sisimulan na nila ang imbestigasyon sa kaso.
Samantala, umaasa ang CHR na mahihinto na ang hazing sa PMA at igalang at alagaan ang mga kadete.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.