Term-sharing sa pagka-House Speaker hindi na dapat ituloy ayon sa ilang mga kongresista

By Erwin Aguilon October 22, 2019 - 05:12 PM

Iginiit ng ilang kongresista na maganda na ang takbo ng Mababang Kapulungan kaya hindi na kailangan pang ituloy ang term-sharing sa pagka-Speaker.

Ayon kina Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at ACT CIS Partylist Rep. Eric Go Yap na maayos at mabilis ang proseso ng Kamara sa pag-apruba ng mga mahahalang panukalang batas sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa kasaysayan din ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng termino ni Cayetano nakakuha ang Kamara ng mataas na rating.

Naging maayos at mabilis din ang proseso sa Kamara sa pagapruba ng mga mahahalagang panukalang batas tulad ng 2020 budget at mga tax reform bills.

Iginiit nina Defensor at Yap na ang usapin hinggil sa term sharing ay pawang verbal agreement lamang at walang napirmahang kasunduan ukol dito.

Sinabi pa ng mga ito na may ilang mga komite na ngayon pa lang Nobyembre nabuo at nagsisimulang magtrabaho kaya kung magpapalit ng liderato ay tiyak na magpapalit din lahat ng Committee Chairmanships na makakaapekto naman sa mga nakalinyang trabaho ng Kamara.

Pero sakali mang magkaroon ng pagpapalit ng leadership ay dapat na dumaan ito sa botohan para malaman din kung sino ang gusto ng mga kongresista na Speaker.

TAGS: ACT CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, Term-sharing sa pagka-House Speaker, ACT CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, Term-sharing sa pagka-House Speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.