Pag-uwi sa Pilipinas ni Pangulong Duterte mula Japan mapapaaga, magpapakonsulta sa neurologist pagbalik ng bansa
Mapapaaga ng pag-uwi sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Japan.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo ito ay dahil magpapakonsulta na si Pangulong Duterte sa kanyang neurologist bukas.
Nasa Japan ngayon si Pang Duterte para sa enthronement ni Emperor Naruhito at nakatakda pang umuwi bukas Miyerkules (October 23).
Pero ayon kay Panelo, uuwi na mamayang gabi ang pangulo dahil sa matinding sakit sa spinal column malapit sa kanyang pelvic bone bunsod ng pag semplang sa motorsiklo noong nakaraang Miyerkules.
Ayon kay Panelo hindi na dadalo ang pangulo sa Emperor’s banquet sa Imperial Palace at hiniling na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na lamang ang kanyang maging kinatawan sa banquet.
Una na rito, kinumpirma nina Senador Christopher ‘Bong’ Go at at Mayor Sara na nahihirapan maglakad ang pangulo kung kaya gumamit ng tungkod.
Tiniyak naman ng Palasyo ang publiko na walang dapat na ipag-alala at maayos ang lagay ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.