Panukalang 2-year probationary period bill hindi iaatras ni Rep. Singson

By Erwin Aguilon October 22, 2019 - 12:47 PM

Walang balak si Probinsyano Ako Partylist Rep. Jose Singson na iatras ang kanyang panukala na palawigin sa dalawang taon ang probationary period sa mga manggagawa bago maging regular sa trabaho.

Sa katunayan, sinabi ni Singson na dumarami na ang mga sumusuporta sa kanyang panukala.

Nakita na daw kasi ng mga ito na talaga namang pro-labor ang kanyang House Bill 4208.

Nanindigan si Singson na ang 2-year probationary period ang tatapos sa endo dahil po-protektahan nito ang mga manggagawa mula sa pagkatanggal sa trabaho kada anim na buwan.

Iginiit ng kongresista na mas malaki ang tsansa na ma-regular ang mga empleyado kung mapatutunayan nilang nababagay sila sa partikular na trabaho.

Ayon kay Singson, handa siyang makipag-debate sa mga kapwa-kongresista para depensahan ang panukala.

TAGS: PH news, Philippine breaking news, Probinsyano Ako Partylist, Radyo Inquirer, Rep. Jose Singson, tagalog news website, two year probationary, PH news, Philippine breaking news, Probinsyano Ako Partylist, Radyo Inquirer, Rep. Jose Singson, tagalog news website, two year probationary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.