Malalakas na aftershocks ng magnitude 6.3 na lindol patuloy na naitatala

By Mary Rose Cabrales October 22, 2019 - 06:16 AM

Patuloy na nakapagtatala ng malalakas na aftershocks matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao noong Miyerkules, October 16.

Magnitude 3.5 na lindol ang pinakahuling naitalang malakas na aftershock.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers Southeast ng bayan ng Tulunan sa Cotabato, alas-12:26 ng madaling araw ng Martes at may lalim na 26 kilometers.

Naitala ang Intensity 2 sa Kidapawan City at instrumental intensity 1 sa Kidapawan City pa rin.

Nakapagtala ng hiwalay na magnitude 3.0 na lindol na naitala sa 20 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Tulunan sa Cotabato, alas-2:16 ng madaling araw at may lalim na 25 kilometers.

Samantala, nakapagtala rin ng magnitude 3.0 na lindol sa 29 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, alas-2:53 at may lalim na 33 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian.

TAGS: Davao Occidental, earthquake, North Cotabato, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Davao Occidental, earthquake, North Cotabato, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.