Lolo timbog sa pagtutulak ng droga sa Pasay

By Rhommel Balasbas October 22, 2019 - 04:56 AM

Arestado ang isang 54-anyos na lolo sa isinagawang buy-bust operation sa Estrella St. Brgy. 14, Pasay City, Lunes ng gabi.

Ayon sa Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit, nakilala ang suspek na si Fernando Santiago na dati nang nakulong at kalalaya lang noong Setyembre.

Kumagat sa operasyon kagabi ang suspek at nabilhan ng P200 halaga ng shabu.

Matapos ang bentahan, sinalakay ang bahay ni Santiago na ginagawang drug den at dito nakuha ang higit 10 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P72,000.

Mga pinagkakatiwalaan lang ni Santiago ang nakakapasok sa drug den at bantay-sarado rin ito ng mga look-out.

Aminado ang suspek sa pagtutulak niya ng droga na kanyang ginagawa umano dahil sa hirap ng buhay.

Mahaharap muli si Santiago sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug den, lolo, look-out, Pasay City, shabu, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug den, lolo, look-out, Pasay City, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.