DPWH: Halaga ng pinsala ng lindol sa Mindanao P86M na

By Rhommel Balasbas October 22, 2019 - 04:03 AM

Courtesy of Sen. Gordon

Umabot na sa P86 milyon ang pinsala ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Mindanao noong Miyerkules ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa ulat ng DPWH Regional Office 12, ilan sa mga imprastraktura ay partially damaged at patuloy na binabantayan dahil sa aftershocks.

Lahat naman ng kalsada at tulay sa Mindanao ay nananatiling passable o nadadaanan ayon sa DPWH.

Nagtamo ng cracks o lamat ang bridge bank protection ng Olandang Bridges 2 at 3 sa Midsayap-Makar Road; bridge abutment ng Malupog at Malitubog Bridges sa Banisilan-Guiling Road; gayundin ang bridge bank protection ng Arizona at Upper Panicupan Bridge sa Dualing-New Panay Road; at ang Dualing-Baliki Silki Road sa North Cotabato.

Naapektuhan din ng lindol ang ilan pang tulay tulad ng Buayan Bridge sa Digos-Makar Road sa Sarangani at ang Upper Silway Bridge sa Albert Morrow Boulebard sa South Cotabato.

Full rehabilitation ang kinakailangan sa Hall of Justice sa Sadaan, Cotabato matapos ang malubhang pinsala.

Nadiskubre rin ang minor cracks sa mga pader ng Aleosan District Hospital sa Dualing Cotabato.

Napinsala rin ang ilang eskwelahan partikular ang Dilangalen National High School, Southern Christian College, at Notre Dame of Midsayap College sa North Cotabato, at New Isabela Elementary School, San Emmanuel National High School, at Pres Quirino National High School sa Sultan Kudarat.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, patuloy silang makikipag-ugnayan sa district offices ng kagawaran sa rehiyon para sa pagsasagawa ng damage assessment.

 

TAGS: damage assessment, DPWH, DPWH Sec. Mark Villar, lindol, magnitude 6.3, Mindanao, P86 million, pinsala, damage assessment, DPWH, DPWH Sec. Mark Villar, lindol, magnitude 6.3, Mindanao, P86 million, pinsala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.