Posibleng discount sa SLEX toll pinag-aaralan ng TRB

By Len Montaño October 22, 2019 - 02:40 AM

Sa gitna ng kalbaryo sa matinding trapik dahil sa ginagawang skyway extension project, pinag-aaralan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang posibilidad na magkaroon ng diskwento ang mga motorista.

Ayon sa TRB, lugi ang mga motorista sa ibinabayad na toll dahil naiipit sila sa trapik.

Sinabi ng ahensya na obligasyon ng pamahalaan na maibsan ang sitwasyon at hindi magkaroon ng umanoy “shortchange” sa serbisyo.

Sisimulan ng TRB technical working group ang pagsusuri sa posibleng discount sa toll sa SLEX sa linggong ito.

Pahayag ito ng TRB sa kabila ng unang sinabi ng operator ng SLEX na San Miguel Corporation (SMC).

Tutol si SMC chief Ramon Ang sa anumang diskwento dahil may utang pa anya ang TRB na P7 bilyon sa kanila dahil sa mga hindi pa naipatupad na dagdag sa toll.

Paliwanag ni Ang, noong Sityembre ay dapat nagpatupad sila ng aprubadong toll increase kasabay ng North Luzon Expressway (NLEX) pero hindi ito nangyari kaya parang ito na anya ang ibinigay nilang discount.

Pero sinabi ng TRB na iba ang sitwasyon ngayon na nagbabayad ng toll ang motorista para sa serbisyo na hindi umano maibigay.

 

TAGS: discount, Ramon Ang, San Miguel Corporation, Skyway extension project, SLex, toll, trapik, trb, discount, Ramon Ang, San Miguel Corporation, Skyway extension project, SLex, toll, trapik, trb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.