Rollback sa presyo ng petrolyo epektibo na ngayong Martes

By Len Montaño October 22, 2019 - 12:40 AM

File photo

Epektibo na ngayong araw ng Martes, October 22, 2019 ang isa pang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, ipapatupad ang bawas-presyo alas 6:00 ng umaga.

Ayon sa Chevron, Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum, TOTAL at Petro Gazz, P0.25 ang rollback sa kada litro ng gasolina.

Nasa P0.10 naman ang abisong tapyas sa kada litro ng diesel.

Habang ang Seaoil, Shell at Chevron ay may bawas na P0.25 sa kada litro ng kerosene.

Una nang nagbawas ng P0.40 sa gasolina at P0.15 sa diesel ang Cleanfuel.

 

TAGS: Bawas-presyo, diesel, epektibo na, gasolina, kerosene, produktong petrolyo, rollback, tapyas, Bawas-presyo, diesel, epektibo na, gasolina, kerosene, produktong petrolyo, rollback, tapyas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.