Medialdea, itinalagang OIC ng bansa habang nasa Japan si Pangulong Duterte

By Chona Yu October 21, 2019 - 06:31 PM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang Officer-in-charge habang nasa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Aalis ngayong hapon si Pangulong Duterte patungong Japan para sa enthronement ni Emperor Naruhito.

Uuwi ang pangulo sa Pilipinas sa October 23.

Base sa special order number 1125, inatasan ng pangulo si Medialdea na pangasiwaan ang pang araw-araw na trabaho ng Office of the President pati na ang mga tanggapan na nasa ilalim ng sangay ng ehekutibo.

Inaatasan ng pangulo ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na makipagtulungan kay Medialdea para masigurong maayos ang pagbibigay serbisyo publiko.

October 18 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang special order.

TAGS: enthronement ni Emperor Naruhito, Executive Secretary Salvador Medialdea, Pangulong Duterte, enthronement ni Emperor Naruhito, Executive Secretary Salvador Medialdea, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.