Mga sundalong inalis sa Syria, ililipat sa Iraq ayon sa U.S. Defense
Ililipat na sa Iraq ang mga sundalong Amerikano na una nang pinaalis sa bansang Syria.
Ito ay kinumpirma ni US Secretary of Defense Mark Esper.
Ayon kay Espern, ang unang plano ay ire-relocate ang nasa 1,000 na sundalo sa Iraq upang matiyak ang seguridad at peace and order ng mga Islamic State.
Bago, inihayag ni US President Donald Trump, papauwiin niya ang mga sundalo na nasa Iraq.
Ito ay matapos na i-anunsiyo ni Trump ang pagbawi ng mga sundalo nila na nakatalaga sa bansang Syria dahilan para makapagsagawa ng opensiba ang bansa Turkey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.