454 na pulis na nasangkot sa ilegal na droga sinibak ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2019 - 11:29 AM

Umabot na sa 454 na mga pulis ang nasibak dahil sa pagkakasangkot sa kalakaran ng ilegal na droga o ‘di kaya naman ay gumagamit ng illegal drugs.

Ang datos ayon kay Lt. Gen. Archie Gamboa, officer-in-charge ng PNP ay mula July 2016 hanggang September 20, 2019.

Sa nasabing bilang, 352 ang nagpositibo sa drug test habang ang 102 ay sangkot sa drug-related activities kabilang na ang pagkakanlong ng drug lords.

Ani Gamboa, ang naturang bilang ay patunay na epektibo ang cleansing program ng PNP.

Ayon naman kay Brig. Gen. Bernard Banac, may mga non-uniformed personnel ng PNP na kasama sa nasibak.

TAGS: Illegal Drugs, inquirer, PH news, Philippine breaking news, PNP, radyo, tagalog news website, War on drugs, Illegal Drugs, inquirer, PH news, Philippine breaking news, PNP, radyo, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.