Binatilyo, napagkamalang magnanakaw, napatay ng ama sa US

By Kathleen Betina Aenlle January 13, 2016 - 12:07 AM

 

crime-scene-300x200Hindi sinasadyang napatay ng isang lalaki sa Cincinnati ang 14-anyos na binatilyo niyang anak, matapos niyang mapagkamalang magnanakaw.

Ayon sa mga pulis, akala ng lalaki ay nakasakay na ng school bus ang kaniyang anak, pero bumalik pala ang binatilyo agad.

Nakarinig umano ang ama ng ingay sa kanilang basement, kaya’t tumungo siya doon para silipin kung ano ang gumagawa ng ingay habang may hawak na baril.

Nang makita niyang may tao sa basement, naiputok bigla ng ama ang baril at tinamaan ang kaniyang anak sa leeg.

Dinala agad sa ospital ang anak, kung saan siya idineklarang patay.

Ayon kay Police Lt. Steve Saunders, kinakapanayam na nila ang ama para sa iba pang detalye ng insidente, ngunit hindi naman sila naglabas ng mga pangalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.