DILG, nakikidalamhati sa pagpanaw ni ex-Senate Pres. Nene Pimentel

By Angellic Jordan October 20, 2019 - 06:16 PM

Nakikidalamhati ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpanaw ni dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na isa si Pimentel sa greatest political figures ng bansa.

Binanggit din ni Año ang mga naging kontribusyon ng dating senador bilang may akda ng Local Government Code of 1991.

Ipagpapatuloy aniya ng kagawaran ang mga adbokasiya ni Pimentel sa pamamagitan ng constitutional reform.

Si Pimentel ay dating minister o secretary of Local Government noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Bilang paggunita ng Local Government month, hinikayat ng kalihim ang lahat ng local government unit (LGU) na ilagay sa half-mast ang mga bandila bilang pagbibigay respeto sa dating senador.

TAGS: Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., DILG, Sec. Eduardo Año, Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., DILG, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.