Bagyong Perla bahagyang lumakas, nanatiling hindi kumikilos sa PH sea

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 06:56 PM

Sa Lunes, pa Oct. 21 lalabas ng bansa ang Tropical Storm Perla.

Sa 5PM weather update ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 790 kilometers east ng Basco, Batanes.

Hindi nabago ang lokasyon ng bagyo simula Biyernes ng umaga.

Lumakas din ang bagyo at taglay na ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Wala pa ring direktang epekto saanmang panig ng bansa ang bagyo.

Tanging localized thunderstorms ang mararanasan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

TAGS: Pagasa, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Storm Perla, weather, Pagasa, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Storm Perla, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.