4 na miyembro ng NPA sumuko sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 06:30 PM

Sumuko sa bayan ng General Nakar sa Quezon ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Captain Jayrald Ternio, pinuno ng public affairs office ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, ang apat na sumuko ay kasunog na nauna nang pagsuko ng 22 NPA members noong Miyerkules.

Dahil dito, umakyat na sa 26 ang bilang ng mga sumukong rebelde sa Calabarzon sa nakalipas lang na dalawang araw.

Umabot sa 10 armas ang isinuko din ng mga sumukong rebelde.

Ayon kay Ternio, ang mga rebel returnees ay pawang Dumagats at galing sa Sierra Madre mountain, at dating bahagi ng Guerilla Front Cesar na nag-ooperate sa Laguna, Rizal, at Quezon.

TAGS: NPA Members, PH breaking news, Philippine News, Quezon, rebel returnees, Tagalog breaking news, tagalog news website, NPA Members, PH breaking news, Philippine News, Quezon, rebel returnees, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.