Isa kumpirmadong patay, 2 sugatan sa sunog na naganap sa Navotas

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 04:10 PM

Kinumpirma ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na isa ang nasawi sa sunog na naganap sa Barangay NBBN sa Navotas Fish Port, Biyernes (Oct. 18) ng madaling araw.

Ayon kay Tiancgo, maliban sa isang nasawi ay mayroong dalawa pang nasugatan.

Umabot din sa 783 na pamilya ang nasunugan base sa isinagawang census ng Philippine Fisheries Development Authority matapos ang sunog.

Ayon kay Tiangco, pinagkalooban na ng tulong ang mga nasunugan kabilang ang pagkain, relief goods, sleeping packs, hygiene kits, at temporary shelter.

Nakiramay naman si Tiancgo sa pamilya ng nasawi sa sunog at nangakong tutulungan ang pamilya.

Para sa mga nais na magbigay ng tulong sa mga nasunugan, sinabi ng alkalde na maaring dalhin ang donasyon sa City Hall lobby.

Ang sunog ay nagsimula alas 2:48 ng madaling araw sa bahagi ng Market 3 at umabot sa ikalimang alarma.

TAGS: fire incident, Market 3, Navotas City, navotas fish port, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, fire incident, Market 3, Navotas City, navotas fish port, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.