WATCH: Video ng umano ay engkwentro sa pagitan ng Barretto sisters inilabas ni Gretchen

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 03:29 PM

Inilabas ni Gretchen Barretto ang video ng umano ay naganap na tensyon sa pagitan nilang magkakapatid habang nasa burol ng kanilang ama.

Makikita sa video ang biglang pagkakaroon ng tensyon sa lamay at maririnig ang mga tao habang sinasabi ang mga salitang “awatin mo” at “konting respeto”.

Dinig din ang pagbagsak ng mga upuan at may maririnig na tila may nagtatalo.

Hindi naman kita sa video na ibinahagi ni Gretchen ang mismong pag-aaway nila ng kapatid na si Marjorie.

Pero kita sa video na naroroon pa sa lamay si Pangulong Rodrigo Duterte nang mangyari ang gulo.

May boses din ng isang lalaki na sumisigaw at nagsasabing “Susugurin mo ko? Wala kang respeto?”.

Sa caption ng video, sinabi ni Gretchen na ang video ay ibinahagi lamang sa kaniya ng isa sa mga naroroon sa lamay.

Sinabi rin ni Gretchen na ganda ang kanilang ina na magsalita patungkol sa kung anong totoong problema ng kanilang pamilya.

Unang lumabas ang balita na nagkaroon ng gulo sa pagitan nina Gretchen, Marjorie at Claudine sa burol.

Naospital pa umano si Claudine nang atakihin ni Marjorie.

Pero itinanggi ito ni Marjorie at sinabing magsasalita siya ng katotohanan kapag nailibing ang kanilang ama.

TAGS: Barretto sisters, Gretchen Barretto, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Barretto sisters, Gretchen Barretto, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.