144 na pasilidad nasira dahil sa tumamang malakas na lindol sa North Cotabato

By Angellic Jordan October 18, 2019 - 03:19 PM

Sam Joel Nang via INQUIRER.net
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasirang imprastraktura matapos ang tumamang magnitude 6.3 na lindol sa Tulunan, North Cotabato.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 144 na imprastraktura ang nasira sa lindol.

Kabilang dito ang 70 eskwelahan, 40 bahay, 10 pribadong gusali at iba pa.

Nasa lima katao ang nasawi habang umabot naman sa 89 ang bilang ng mga nasugatan.

Samantala, aabot sa 613 na pamilya ang inilikas sa bahagi ng Region 11 at 12 kung saan ang ilan sa mga ito ay nakauwi na sa kani-kanilang tahanan.

TAGS: earthquake, North Cotabato, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, earthquake, North Cotabato, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.