Pinoy photog mula sa Quezon wagi sa photography competition sa Germany

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 11:14 AM

Isang Filipino photographer mula sa Lucban, Quezon ang nakakuha ng parangal sa katatapos lamang na 2019 EyeEm Awards sa Germany.

Nagwagi ang kuhang larawan ni Marlon Villaverde na may titulong “Mahal na Senyor” sa photojournalist category.

Ang EyeEm Awards ay itinuturing na pinakamalaking photography competition sa mundo at halos isang milyong photographers ang lumahok sa kompetisyon ngayong taon.

Ngayong 2019, pinayagang lumahok ang mga pro at non-pro photog sa sampung mga kategorya, kabilang dito ang:

mobile photographer
traveller
street photographer
great outdoors
minimalist
portraitist
architect
creative
foodie
photojournalist

Ang larawang isinali ni Villaverde ay kuha sa Lucban, Quezon sa kasagsagan ng prusisyon ng umage ng “Mahal na Senyor” noong Mahal na Araw.

TAGS: 2019 EyeEm Awards, Germany, Mahal na Senyor, marlon villaverde, PH breaking news, Philippine News, photography competition, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 EyeEm Awards, Germany, Mahal na Senyor, marlon villaverde, PH breaking news, Philippine News, photography competition, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.