Bayan ng Makilala sa North Cotabato isinailalim sa state of calamity

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 09:57 AM

Lindol sa Cotabato

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Makilala sa North Cotabato.

Ito ay dahil sa tindi ng pinsalang natamo ng naturang bayan matapos ang magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Cotabato noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Makilala Vice Mayor, Ryan Tabanay, 63 bahay ang nasira sa kanilang bayan at nakapagtala ng 24 na residenteng sugatan.

May mga napinsala ding simbahan, iba pang straktura at ang kanilang munisipyo ay nagtamo ng minor damage.

Layunin ng deklarasyon ng state of calamity na magamit ang 5 percent na calamity fund ng Makilala upang matulungan ang mga naapektuhan ng pagyanig.

TAGS: earthquake, magnitude 6.3, makilala, North Cotabato, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, earthquake, magnitude 6.3, makilala, North Cotabato, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.