Organizer ng mga kilos-protesta sa Hong Kong, inatake

By Angellic Jordan October 18, 2019 - 01:06 AM

Inatake ng hindi pa nakikilalang limang katao ang isa sa mga prominenteng miyembro ng Civil Human Rights Front.

Ang nasabing grupo ang responsable sa pag-oorganisa ng mga kilos-protesta sa Hong Kong.

Ayon sa grupo, hindi bababa sa apat hanggang limang katao ang umatake kay Jimmy Sham, 32-anyos, sa bahagi ng Mong kok sa Kowloon.

Pinagpapalo umano ng mga kalalakihan ng martilyo si Sham bago tuluyang iniwan nang duguan sa lansangan.

Kaagad na naisugod sa ospital si Sham.

Sa ngayon, nasa maayos nang kondisyon ang biktima at patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Hindi ito ang unang beses na mayroong umatake kay Sham.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Hong Kong police sa insidente.

TAGS: Civil Human Rights Front, Hong Kong, Jimmy Sham, kilos-protesta, Civil Human Rights Front, Hong Kong, Jimmy Sham, kilos-protesta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.