Pinuno ng PNOC-EC, sinibak dahil sa “idiotic contract” – Pangulong Duterte
Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak sa pwesto ang pinuno ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation (PNOC-EC) na si Pedro Aquino.
Sa kaniyang talumpati sa 45th Philippine Business Conference & Expo sa Manila Hotel, Huwebes ng gabi, sinabi ng pangulo na ito ay dahil sa inihandang kontratra ni Aquino kasama ang isang Russian oil company.
Ayon sa pangulo, kinuwestiyon niya ang aniya’y “idiotic contract” na inihanda ni Aquino.
Nais kasi aniya ni Aquino na agad mapagtibay ng Board of Trustees ang nasabing kontrata.
Hindi naman binanggit ng pangulo kung anong partikular ng Russian oil company ang kabilang sa kontrata.
Matatandaang sinabi ng Palasyo ng Malakanyang na kawalan ng tiwala ang sanhi ng pagsibak ng pangulo kay Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.