Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pagpapatayo ng Teacher’s Lounge sa mga pampublikong ospital sa lungsod.
Ang unang airconditioned room para sa mga guro ay pinasinayaan sa EM Signal Village Elementary. School kasama si House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Mayor Lino Cayetano na ang lounge ay may entertainment area, pantry at conference room.
Dito aniya ay maaring magpahinga ang mga guro o maghanda ng kanilang mga lessons’ plan.
Dagdag pa ni Cayetano, ang susunod na katulad na pasilidad ay sa Dr. Artemio Natividad Elementary School sa Barangay Ususan.
Aniya, sa darating na Enero ay may kanya-kanya nang Teachers Lounge ang 36 public elementary at high schools sa lungsod at mapapakinabangan ng higit 4,150 guro.
Sabi ni Cayetano, maliit na bagay lang ito para suklian ang paghihirap at sakripisyo ng mga guro para itaguyod ang edukasyon ng mga bata at kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.