Malalakas na aftershocks ramdam pa rin sa Ilang lugar sa Mindanao

By Angellic Jordan October 17, 2019 - 03:10 PM

Nakapagtala ng panibagong malalakas na aftershocks sa Tulunan, North Cotabato Huwebes ng hapon.

Batay sa datos ng Phivolcs, kabilang dito ang magnitude 4.5 na lindol na may layong 21 kilometers Southeast ng bayan ng Tulunan bandang 2:18 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang instrumental intensity 2 sa Tupi, South Cotabato.

Sinabi ng Phivolcs na ito ay aftershocks ng tumamang 6.3 magnitude na lindol sa North Cotabato, Miyerkules ng gabi.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

TAGS: General Santos City, Mindanao Quake, North Cotabato, Tulunan, General Santos City, Mindanao Quake, North Cotabato, Tulunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.