Nasirang establisyimento dahil sa M6.3 na lindol sa Mindanao, umabot sa 29
By Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2019 - 10:55 AM
Umabot sa 29 na establisyimento ang nasira dahil sa pagtama ng magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa mga nasirang establisyimento ay mga bahay, munisipyo, at mga paaralan sa Region 11 at 12.
Umabot naman na sa 27 ang naitalang nasugatan sa naturang pagyanig.
18 sa kanila ay dinala sa Digos City Provincial Hospital habang 3 ang dinala sa Kidapawan City Hospital at 6 sa Makilala Medical Hospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.