Aftershocks ng magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato umabot na sa 246
Patuloy na nakapagtatala ng malalakas na pagyanig sa maraming lugar sa Mindanao matapos tumama ang malakas na magnitude 6.3 na lindol, Miyerkules (Oct. 16) ng gabi.
Simula kanina ring madaling araw, marami pang aftershocks ang naitala na ang sentro ay sa Tulunan, North Cotabato na epicenter ng 6.3 magnitude kagabi.
Alas 5:02 ngayong umaga nang maitala ang magnitude 3.6 na aftershocks sa Tulunan.
May naitala ring magnitude 3.2 na lindol sa Tulunan, alas 3:30 ng madaling araw.
At magnitude 3.0 alas 12:21 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, umabot na sa 246 na aftershocks ang naitala as of alas 3:00 ng madaling araw ng Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.