4 patay sa lindol sa Mindanao

By Rhommel Balasbas October 17, 2019 - 05:03 AM

Courtesy of Sen. Gordon

Apat na ang naitatalang patay sa Mindanao matapos ang magnitude 6.3 na lindol na tumama sa North Cotabato, alas-7:37 Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Tulunan Mayor Reuel Limbungan, isang 7 taong gulang na batang babae mula sa bayan ng Datu Paglas, Maguindanao ang nasawi.

Nadaganan ng gumuhong pader ang bata at sinubukan pang isugod sa ospital ngunit hindi na nakaligtas pa.

Tatlo naman ang naitalang nasawi sa Magsaysay, Davao del Sur.

Kabilang sa mga nasawi ay ang dalawang taong gulang na batang babae na si Christine Roda makarang mabagsakan ng pader sa Brgy. San Isidro.

Sa Brgy. Malawanit, nasawi ang isang mag-ina.

Hindi bababa sa 25 katao na rin ang naitalang nasaktan bunsod ng pagyanig.

Nasira rin ang ilang mga paaralan at shopping malls at nagkaroon ng malawakang blackout sa ilang lugar sa Mindanao.

TAGS: 4 dead, magnitude 6.3 quake hits North Cotabato, 4 dead, magnitude 6.3 quake hits North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.