Kim Jong-Un umakyat ng ‘sacred mountain’ sa NoKor sakay ng kabayo

By Rhommel Balasbas October 17, 2019 - 04:38 AM

Inakyat ni North Korean leader Kim Jong-Un ang pinakamataas na bundok ng kanyang bansa sakay ng isang puting kabayo.

Sa serye ng mga larawan na inilabas ng state media na KCNA araw ng Miyerkules, makikita si Kim na nasa nagyeyelong Mount Paektu, isa sa pinakamahahalagang cultural at geological site ng North Korea.

May bahagi ang bundok sa pagkakakilanlan ng bansa at sinasabing dito ipinanganak si Dangun, ang mythical founder ng unang Korean Kingdom 4,000 taon na ang nakalilipas.

Ayon sa ilang analysts, ang ginawa ni Kim araw ng Miyerkules ay maaaring hudyat ng isang mahalagang anunsyo.

Sa kasagsagan ng peace talks noong 2018, dinala rin ni Kim si South Korean President Moon Jae-in sa Paektu.

Si Moon ang kauna-unahang South Korean president na nakatungtong sa tuktok ng bundok.

Ayon sa ulat ng KCNA, ang horseback ni Kim sa Paektu ay isang mahalagang bahagi na ng kasaysayan ng Korean revolution.

“His march on horseback in Mt Paektu is a great event of weighty importance in the history of the Korean revolution,” ayon sa KCNA.

“Sitting on the horseback atop Mt Paektu, [he] recollected with deep emotion the road of arduous struggle he covered for the great cause of building the most powerful country, with faith and will as firm as Mt Paektu,” dagdag ng ulat.

TAGS: horseback ride, Kim Jong un, Mt. Paektu, horseback ride, Kim Jong un, Mt. Paektu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.