Gamboa, ipinagbawal na sa mga pulis ang paglalaro ng golf tuwing weekdays
Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang pagbabawal sa lahat ng pulis ang paglalaro ng golf tuwing weekdays.
Sa Camp Bagong Diwa, sinabi ni Gamboa na walang mabubukod na sinumang opisyal sa nasabing kautusan.
Ani Gamboa, siya mismo ang haharap sa mga pulis na mahuhuling naglalaro pa rin nito mula Lunes hanggang Biyernes.
Maaari naman kasi aniyang makapaglaro tuwing weekends tuwing Sabado at Linggo.
Sumang-ayon naman si bagong talagang National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas sa direktiba ni Gamboa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.