New Clark City na pagdarausan ng SEA Games, ininspeksyon ng liderato ng Kamara
Isinagawa ng liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Alan Peter Cayetano at House Committee on Youth and Sports Development ang site inspection sa New Clark City sa Capas, Tarlac na pagdarausan ng 2019 SEA Games.
Isa ang New Clark City Aquatic Center at Athletic Stadium sa pagdarausan ng athletics at aquatics events sa 30th Southeast Asian Games kung saan host ang Pilipinas.
Ayon kay Cayetano na siya ring chairman ng SEA Games Organizing Committee (Phisgoc), nais nilang matiyak na walang magiging aberya sa SEA Games.
Ang New Clark City ay 9,450 ektaryang lupa na dinevelop ng Bases Conversion and Development Authority.
Itatayo rin dito ang Philippine High School for Sports.
Iginiit ni Cayetano na pinili nilang gawin sa labas ng Metro Manila ang ibang activities para maitampok rin ang turismo sa mga nabanggit na lalawigan.
Karamihan ng events sa SEA Games ay gaganapin sa Clark Freeport Zone sa Pampanga sa pamamagitan ng Clark Development Corp.
Meron din sa Subic Freeport Zone sa Zambales sa tulong naman ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Sa Metro Manila naman gaganapin basketball at volleyball events.
Kasama rin sa inspection si Senator Bong Go.
Isasagawa ang SEA Games mula November 30 hanggang December 11 ng kasalukuyang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.