Pagpapalakas ng independent IAS ng PNP dapat nang ipasa ng kongreso

By Erwin Aguilon October 16, 2019 - 09:50 AM

File Photo

Kasunod ng isyu ng ninja cops o mga pulis na sangkot sa recycling ng nakukumpiskang mga ilegal na droga isinusulong ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles sa Kongreso ang pag-apruba sa mga panukala na naglalayong palakasin ang internal affairs mechanism ng Philippine National Police.

Ayon kay Nograles, sa kasalukuyang set-up ay nabawasan ang integridad ng umiiral na internal affairs service dahil sa brotherhood system sa mga miyembro ng PNP na minsa’y nauuwi sa takipan

Dahil dito, napapanahon na anyang ihiwalay ng Kongreso ang kapangyarihan at awtoridad ng IAS mula sa impluwensya ng buong liderato ng PNP kabilang ang director general.

Inihain ni Nograles ang House Bill 3065, na layong amyendahan ang Republic Act 8551 o ang Philippine National Police Reform Reorganization Act of 1998.

Sa ilalim nito, lilikha ng IAS sa labas ng chain-of-command ng PNP at sa halip ay ililipat ito sa direct supervision ng kalihim ng DILG.

Bukod sa pag-iimbestiga at pagtukoy sa kamalian ng PNP personnel, bibigyan ng recommendatory powers ang IAS sa selection at promotion ng mga pulis.

TAGS: amyendahan ang Republic Act 8551, House Bill 3065, Kongreso, Philippine National Police Reform Reorganization Act of 1998., PNP, Rep. Jericho Nograles, amyendahan ang Republic Act 8551, House Bill 3065, Kongreso, Philippine National Police Reform Reorganization Act of 1998., PNP, Rep. Jericho Nograles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.