Mga pahayag ng Malakanyang sa isyu ni Gen. Albayalde hindi pag-preempt sa desisyon ng korte
Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na hindi pag-preempt sa desisyon ng korte ang maging pahayag na maituturing na hearsay ang testimonya ni dating CIDG chief at Baguio City mayor Benjamin Magalong sa Senate hearing laban kay PNP chief Oscar Albayalde.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, obserbasyon lamang ang kanyang naging pahayag na hindi tatayo sa korte ang mga pahayag ni Magalong laban kay Albayalde dahil walang kaakibat na matibay na ebidensya.
Nadadawit ang pangalan ni Albayalde sa operasyon ng illegal na droga.
Paggigiit ni Panelo, hindi niya pinangungunahan ang korte.
May sarili aniyang pag-iisip ang mga hukom at tiyak na hindi paiimpluwensya sa mga pahayag ng Palasyo.
Sigurado aniyang ibabase ng mga hukom ang anumang desisyon sa mga ebidensya na inilatag sa korte.
Bukod kay Magalong, una ng sinabi ni Panelo na mahina rin ang testimonya ni dating CIDG region 3 director retired general Rudy Lacadin na nagsabing tumawag din sa kanya si Albayalde sa gitna ng isyu tungkol sa umano’y pang-aarbor ng kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.