Assemblyman Zia Alonto Adiong: Robredo malinaw na nanalo sa Lanao del Sur

By Rhommel Balasbas October 16, 2019 - 03:13 AM

Nanindigan si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) assemblyman Zia Alonto Adiong sa panalo ni Vice President Leni Robredo sa Lanao del Sur noong 2016 elections.

Sa isang Facebook post araw ng Martes, isiniwalat ni Adiong na ang noo’y Congresswoman Robredo lamang ang katangi-tanging vice presidential candidate na nagsagawa ng political rally sa lalawigan.

Giit ni Adiong, direktang nagpakilala at nakisalamuha ang bise presidente sa mga lokal ng Marawi at iba pang lugar sa lalawigan kahit wala itong kasamang ibang pulitiko.

Ang pahayag ni Adiong ay matapos igiit ng natalong si Senador Bongbong Marcos na ibasura ang resulta ng halalan sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao dahil sa umano’y insidente ng karahasan, kaguluhan, pre-shading ng balota at vote substitution.

Pero ayon kay Adiong, walang duda at natural na nakuha ni Robredo ang boto ng mga taga-Lanao del Sur.

Hindi anya uubra ang argumento na dapat ibang kandidato ang manalo sa Lanao del Sur dahil wala namang ibang nagpakita ng interes para bumisita at mangampanya sa lalawigan.

TAGS: Leni Robredo, Vice President Leni Robredo, Zia Alonto Adiong, Leni Robredo, Vice President Leni Robredo, Zia Alonto Adiong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.