7 suspek sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio haharap sa court martial
Haharap sa General Court Martial ang pitong suspek sa kagimbal-gimbal na hazing kay Philippine Military Academy (PMA) 4th Class cadet Darwin Dormitorio.
Ang pitong suspek ay kakasuhan ng paglabag sa 97th Article of War o conduct prejudicial to good order and military discipline.
Nakilala ang mga suspek na sina Cadet First Class Axl Rey Sanopao, Cadet Second Class Christian Zacarias, Cadet Third Class Shalimar Imperial, Cadet Third Class Felix Lumbag, Cadet Third Class Julius Carlo Tadena, Cadet Third Class Rey David John Volante at Cadet Third Class John Vincent Manalo.
Una nang nagsampa ng kasong kriminal ang pamilya Dormitorio laban sa mga suspek.
Gayunman, ayon kay PMA Corps Commandant Brig. Gen. Romeo Brawner Jr. upang tuluyang matanggal sa PMA ay kinakailangang humarap sa court-martial ang mga suspek.
Hindi pa nakakapagdesisyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kapalaran ng limang military officers na una nang tinanggal sa pwesto dahil sa kaugnayan sa hazing.
Nakilala ang lima na sina tactical officers Maj. Rex Bolo at Capt. Jeffrey Batistina, at military doctors Col. Cesar Candelario, Capt. Apple Apostol at Maj. Ofelio Beloy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.