Pinagbilinan ni Senator Christopher Go ang mga pulis na tumutok na sa trabaho at isantabi ang isyu ukol sa ‘ninja cops’ na idinidikit kay PNP Chief on leave Oscar Albayalde.
Aniya dapat ay matapos na ang mga bangayan at umangat muli ang morale ng mga pulis.
Sinabi pa ni Go kung mananatiling demoralisado ang mga pulis ay mahihirapan ang administrasyong-Duterte na labanan ang kriminalidad, ang droga at korapsyon.
Ngunit pagdidiin ng senador hindi rin dapat pagtakpan ang kalokohan ng mga pulis kaya’t hinihikayat niya ang mga alagad ng batas na ibunyag ang inaakala nilang mga bugok sa kanilang hanay.
Samantala, pinuri nito si Albayalde sa maagang pagbaba sa pwesto para bigyan ng malayang-kamay si Pangulong Duterte na makapili ng susunod na hepe ng pambansang pulisya.
Nakatakda na rin magretiro sa serbisyo si Albayalde sa darating na Nobyembre 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.