Carlos Yulo at Nesthy Petecio bibigyan ng tig-P1M ng gobyerno

By Rhommel Balasbas October 15, 2019 - 02:33 AM

Matapos bigyan ng karangalan ang bansa, makatatanggap ang mga Filipino athletes ng cash incentives mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Sa press briefing araw ng Lunes sa Rizal Memorial Sports Centers inanunsyo ni PSC Chairman Butch Ramirez na makatataggap ng tig-P1 milyon sina Carlos Yulo at Nesthy Petecio.

Matatandaang noong Sabado nasungkit ni Yulo ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa 49th Artistic Gymnastics World Championships na naganap sa Stuttgart, Germany.

Wala pang 24 oras, araw ng Linggo ay nakakuha rin ng gold medal si Petecio sa AIBA Women’s World Boxing Championship sa Ulan-Ude, Russia.

Ayon kay Ramirez, sina Yulo at Petecio kasama ang pole vaulter na si EJ Obiena, weighlifter na si Hidilyn Diaz at skateboarder na si Margielyn Didal ay ikinokonsidera ng PSC bilang top prospects sa Tokyo 2020 Olympics at makapagbibigay ng gintong medalya.

Sinabi ng PSC official na ibibigay ang lahat ng pangangailangan ng limang atleta at kung mabigo mang makakuha ng ginto sa Tokyo 2020 ay tutulungan pa rin sila para sa Paris at Los Angeles Olympics.

Samantala, may bonus din na matatanggap ang boxer na si Eumir Marcial mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng P500,000 matapos makuha ang silver medal mula sa Aiba World Boxing Championships na naganap sa Ekatirinburg, Sverdlosk Oblast, Russia.

TAGS: Carlos Yulo, Nesthy Petecio, P1 million reward, Philippine Sports Commission (PSC), Carlos Yulo, Nesthy Petecio, P1 million reward, Philippine Sports Commission (PSC)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.