5 timbog makaraang salakayin ang isang drug den sa Cebu; P2.4M, nakumpiska

By Angellic Jordan October 14, 2019 - 03:40 PM

Arestado ang limang drug suspects makaraang salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Cebu, Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa PDEA Regional Office 7, isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Lawaan II sa Talisay City bandang 3:00 ng madaling-araw.

Nahuli sa operasyon ang mga suspek na sina Rogelio Amion, target sa operasyon; Rex Aldea, Anthony Cambarijan, Lyndon Lastimosa at John Cedric Amion.

Nakumpiska sa lima ang walong transparent na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

May bigat ang kontrabando na mahigit-kumulang 365 grams at nagkakahalaga ng P2,400,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Barangay Lawaan II, PDEA Regional Office 7, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Barangay Lawaan II, PDEA Regional Office 7, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.